Nung time na napunta ko sa star section sa RCSM, sila agad yung naging close ko. Pito nga kami eh. Pero silang tatlo talaga yung natira bukod kay grace na pinagkatiwalaan ko. Ang hirap kasing magsalita ng tapos. Lahat nagbago. Siguro dahil din sa isa sa maghick kaya ko natuto. Totoo naman ee. Sorry nagsasabi lang ako ng totoo. Akala ko ako lang yung nakakaramdam nito, pero mali ako. Silang tatlo na nasa picture narinig ko yung side nila. Hahaha! Iba na talaga ngayong 20’s. Basta alam kong wala akong ginawang masama okay na ko dun. Opinyon ko lang naman ito e. Alam ko namang mananatili yung happy memories na nangyari. Ayoko lang talagang tandaan yung time na tuluyang nasira at ako na yung kusang umiwas. Nagkakalokohan na lang eh. Kaya ako na yung nagkusa. Kesa naman lokohin ko din yung sarili ko di’ba? Ayoko naman nun. Kaya ayan, hahaha! mang-iiwan tuloy ako! pero ayos lang. Basta alam kong hindi ko iniwan yung totoong mahal ko. Silang tatlo ‘yun. Kahit na iwasan nila ko sa susunod na panahon, alam kong sila yung mananatiling isa sa mga kaibigan kong hindi ko laging nakakasama, pero laging nandiyan.

Sige hanggang dito na lang. Naalala ko kayo kaya ko gumawa ng blog for you guys. Basta tandaan niyo, you’re one of the best things that happened on my high school life. I LOVE YOU vhen, alyssa, hannah.
Mahal po kita PERO…
Bakit mo po ba kailangang gawin yun?
Ang sakit sa feelings na iniwan mo ko eh, actually KAMI. Ang hirap pala. Ang daming kailangang i-adjust. Hindi ba pedeng magpakita ka man lang sa’ken? Kahit saglit lang. Sabihin mo man lang yung “KAMUSTA ANAK?” Di ko pa kasi nararamdaman yun ee.. yung galing sa tatay ko?
Bakit po ba kailangan may masasaktan?
Kahit hindi sabihin ni Nanay na nasasaktan siya. Kahit hindi niya maipakita yung nararamdaman niya, nararamdaman ko. Mas masakit sa part ko na nakikita ko siyang nasasaktan at kailangang maghanap pa ng iba para lang makaramdam ng pagmamahal na dapat ikaw yung nagpaparamdam. Kung sa’yo ko kaya gawin yun? Masasaktan ka din kaya tulad ng nararamdaman namin dahil sa’yo?
Bakit po ba kailangan may magsasakripisyo?
Sobrang dami na niyang sinakripisyo para sa’yo. Alam mo po ba yun? Pati pangarap niya, nawala at napalitan ng galit na para sa’yo. Lahat ginagawa niya para lang mabuhay ako, may maipakain sa’ken hanggang ngayong malaki na ko at kaya ko ng sabihin sa’yo lahat. Ito ba dapat yung kapalit ng pang-iiwan mo sa’min? sa kanya? Ang magsakripisyo ng walang hanggan?
Bakit po ba siya pa dapat yung mahirapan?
Nakakainis ka naman po kasi eh. Ikaw na nga yung may nakuha, papahirapan mo pa siya. Sana ikaw na lang yung nahihirapan. Para ka kasing nag-laro ng bahay-bahayan eh. Yung pedeng sabihing “AYOKO NA!” Eh fucking bullshit ka pala ee! Putangina Mo pa. Kulang pa yan sa sakit at hirap na dinadanas namin dahil sa’yo!
ANG HIRAP PALA NG WALANG TATAY. Nakakainggit sila! Wala naman akong magawa kundi iyakan ka. Ang hina ko. Sa kabila pala nung bawat halakhak ko, merong ganito! Gago ka kasi ee. Putangina mo pa talaga. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na isang araw, AKO ANG BABALIK SA’YO! Ipaparamdam ko lahat ng ginagawa mo sa amin ngayon. Kung gaano kasakit, lahat! lahat-lahat. Ipapakita ko sa’yo kung sino ang iniwan mo. Pasensya na kung kailangan kong gawin ito sa’yo. Sabi nila masama daw yun. Pero di ko kaya eh. Kahit para sa kanya lang, maiganti ko lang siya sa lahat ng ginawa mo. SORRY TALAGA…..
MAS MAHAL KO SIYA.
Honestly, BITTER ako. Hahaha! :)) E kasi naman no. Ang dami ko nang nakitang PALPAK NA RELASYON. -__- Lesheng Fairytales yan! Pinapaniwalang may HAPPY ENDING. Amp. Pero sabagay, parents ko nga sila pa din. :)
Hindi sa madami na akong experience sa love. Sadyang naging saksi lang ako ng mga palpak…
Kahit saglit lang magkikita-kita, MEMORABLE to! kasi ito na yata ung last day natin na magmi-meet sa RCSM before college… YIPEE~! :)) so much excited! sana kayo din.


Hayyys~! Kelan kaya ulit tayo mag-susuot ng ganitong uniform?

